Tuesday, November 16, 2004

Huling Sulat para sa Kanya

My Dearest,

Today is the final start and final decision, friends na lang tayo. At least we are...... Things really happen for a reason but this time I can only think of one reason pa lang, yun ay di tayo para sa isa't isa ngyn dahil di ko rin masasabi kung para tyo in the future, puede ring para tlaga tyo sa iba. Only God knows di ba. Ang mahalaga sakin ngyn ay kalimutan na lng natin ang nakaraan at i-maintain ang masasayang araw natin kasama na ang hirap at ginhawang pinagdaanan natin. Ayoko ng pag-usapan pa ang nakaraan at magsumbatan, ang sakin, ang totoo, nagmahal ako ng tunay, umunawa, nagbigay at sumuporta. Alam kong may mga pagkakamali din ako pero alam ng Diyos na di ko yun sinadya, mangyari lng na naghanap cguro ako ng atensyon at lubos na pagmamahal dahil inakala kong wala ito.

Sa anim na buwan, naging mahalaga ito para sakin, I always treasure my relationship kahit mahaba pa ito o maikli. Di ko rin kayang sabihin na babaguhin ko ang sarili ko sa tema ng pagmamahal , ako na ito since birth na ganito na tlaga ako magmahal. Cguro may mga kailangan lang ipolish depende sa partner ko. I always keep myself naman open for improvement. Sa lahat ng naging bf ko, ngyn lng ako nagsilbi ng ganito di ko alam kung bakit basta heto ang iniuutos ng puso ko, iba iba silang lahat ng pingadulutan ko ng love. Di ako ipokrita para sabihin ko na di ako nasaktan, of course nasaktan ko dahil nagmahal ako, pero ang keyword lng dyan ay "Acceptance" and "Move On".

Hindi ko rin puede sabihin at utusan ang sarili at puso ko na "Ayoko na" at na "Di na ako magmamahal ulit". Buhay ako, at hangga't nananalig ako sa Diyos , alam ko na bibigyan nya ako ng pagmamahal at tuturuan pa rin magmahal. Di ba nga God is Love. Alam ko rin na maraming plano para sakin pero ako pa rin ang gagawa nito sa buhay ko. At least alam ko sa sarili ko kung hanggang saan ang kaya kong ibigay sa buong buhay ko, na kaya kong tumayo sa sarili kong mga paa at na sa bawat pagkakadapa ko at marunong akong bumangon mag-isa gaano man ito kasakit at gaano man kalalim ang sugat na dulot nito. Marami na akong pinagdaanan mag-isa sa buhay kahit nung bata pa lang ako. Ang pinakamahalaga sakin ngyn ay yung tinuruan ako ng Papa ko na maging independent sa anumang bagay maging decision making man ito. Ngayon ko nakikita ang effect nito sa buhay ko.

Anuman ang maging decision ko, mali man ito sa huli, di ako puedeng magreklamo dahil ginusto ko yun at kailangan ko itong harapin.

Wala akong pinagsisisihan na nagmahal ako at minahal kita dahil Love yun. Kung di ko sinubukan na maging kami, paano kung maging maganda pala ang resulta nun, eh di nagsisi lang ako, at least sinubukan ko tanggapin ka at mahalin ka di man ito nagwork out. Sa Love kasama lahat tlaga ang saya, pain, risk at marami pang iba. Na test ko rin ang sarili ko ngayon, na kaya ko pala magmahal sa ibang paraan, meaning I'm capable of loving like that pala or should I say marunong akong magmahal pala di mo nga lng cguro nagustuhan.

There's no one to be blamed here, we both have our lapses and shortcomings. Maybe or surely we can use what we have learned in our next or future partner and relationships.

Ngyn, let's both forget the past and start anew as friends and not just friends but good friends or maybe best friends :-). Ayokong maging bitter although alam kong kasama ito sa buhay pero kailangan kong iwasan ito para maging maligaya ako sa buhay ko.

All I can promise to you now as your friend is that, kung makakatulong pa rin ako sayo sa abot ng makakaya ko eh tutulungan pa rin kita. Sa suporta, kung kailangan mo ito sa isang kaibigan, alam kong maibibigay ko pa rin ito gaya sa iba. Sana lang eh maramdaman ko na kaibigan mo pa rin ako at yung puede ko rin takbuhan kung kailangan ko ng kaibigan , sana, sana sana .........

Heto na cguro ang huling mensahe ko para sa sarili ko at lalo na sa kanya.

May God Bless us always and may our dreams still be fulfilled with our own perseverance in life.

Nagmahal,

Winnie

2 comments:

mumshens said...

ang tunay na nagmamahal ay sya ding binibiyayaan ng Diyos ng pagmamahal. Kaya wag kang mag-alala, madami kaming nagmamahal syo :)

mistyeyed said...

parang ako yati ang nagsasalita dito... haha, at least in some parts.