Monday, June 27, 2005

Minsan........Minsan lang talaga......

Minsan sa buhay ng tao ang daming nangyayari, as in napakarami, samu't saring kaganapan, mapa love life, personal na buhay, pamilya , hanapbuhay at iba pa.

Sa buhay ko, maraming dumaan na pangyayari, maraming kaganapan na di ko inaasahan. Sa mga pangyayaring iyon, marami akong naranasan at natutunan. Bata pa lang ako, nakita ko na ang mga bagay na sa murang edad ko eh di pa dapat dahil di ko pa mauunawaan ang sitwasyon. Gaya ng pagkakaroon ng ibang babae ng aking ama, nakita, nakasama ko sa pamamasyal ganun din ang pagbili nila sakin ng gamit na kailangan ko. Umabot ito hanggang sa magdalaga ako. Nasa elementarya palang ako ng maranasan ko din na makulong ang aking ama ng apat hanggang anim na taon sa dahilang "self-defense". Dahil sa may kaya ang nakalaban ng aking ama ay nahatulan nga syang makulong. Sa mga panahong iyon, ang aking ina ang gumabay skin kahit na tuwing sabado naman eh nadadalaw namin ang ama ko sa Camp Crame at pati na rin ng malipat sya sa Bicutan. Alam kong mahal na mahal ng aking ina ang aking ama, kahit na sukdulan na ang pambabae ng ama ko. Di ko rin naman masisisi sya dahil alam kong may dahilan lng sya kung bkt nya nagagawa yun. Sa kaliitan din ng sahod sa pagpopolice kaya ganun o dahil na rin sa may ksasabihan na pagka pulis ay matinik din sa chicks. Alam kong mahal na mahal nya din ang aking ina pero ganun tlaga ang nangyari. Sa Crame, may pagkakataon na sabay kami dumalaw ng babae nya pero sa huli kami ng ina ko ang pinaalis nya. Luhaan kami lumakad palabas ng mommy ko sa crame dahil awang awa kami sa mga sarili namin. Sa galit ng mommy ko di na sya dumalaw sa papa ko ng ilang buwan hanggang sa nakiusap sa kanya ang papa ko at humingi ng tawad. Marami pa ang mga nangyari sa kanila..... Edad 18 ako ng makalabas sya ng Bicutan, tamang tama sa debut ko, maka ilang buwan lng eh kinausap na ako ng papa ko at sinabi nya sakin na makikipag hiwalay na sya sa mommy ko, hinintay lng daw nya na dumating ako sa tamang edad para maunawaan ko ang sitwasyon nila pero matagal na nyang gsto ito gawin. Mahirap pala ang ganun, sobrang close ako sa papa ko , papa's girl kumbaga pero wala naman ako magagawa sa kanila kung di na tlaga kayang iwork out. Di ako kumibo dahil kahit ako naman eh hanggang ngyn eh nahihirapan din makipag communicate sa mommy ko. All the while akala ng mommy ko eh pinagkakaisahan namin sya ng papa ko dahil kung bakit daw di ako nagagalit sa papa ko sa pambabae nya at pag-iwan samin. Ang dahilan ko, wala ako sa lugar kasi para magalit at kamuhian sya dahil napakabait nya sakin, ni saktan di nya nagawa sakin, matalik kaming magkaibigan, buddy buddy kumbaga kaya naunawaan ko sya. Nakakapag-usap kami ng puso sa puso.

Nagkikita kami ng papa ko every Sunday para maibigay nya ang weekly allowance ko then pasyal kami, sinasama nya ako kahit saan kahit at kahit puro matatanda ang kainuman nya , join ako kaya tuwang tuwa sya sakin dahil game ako lagi basta sya kasama ko. Lalong nagselos ang mommy ko dahil nga sa nangyari pero yun na rin ang sitwasyon eh sa kagustihan nya na humingi ako ng pera sa papa ko.

Nag part time job ako when I was still in college, indoor golf attendant ako noon sa PAR - T golf sa Manila Hotel. Afternoon shift ako noon 1-9 pm dahil nga may klase ako ng 7 -12, full load sa course ko. That time napaka payat ko noon dahil makakauwi ako noon sa haus namin sa Mandaluyong ng 10:30-11 pm tpos gigising naman ako ng 5:30 am para naman sa pagpasok ko sa Legarda. Good thing di ganun kalakas ang area ko sa indoor golf kaya nakakapag aral ako doon pati na ang magawa ang mga assignments ko, same thing to review kung may exam. I have my own money then, I also pay my own tuition then kahati ko mommy ko sa salary ko :-) I was so fulfilled noon, earning my own money and meeting new people. Speaking of meeting new people, doon ko nakilala ang mapapangasawa ko pala. Dito ko nasaba na ang pag aasawa pala eh di mo masasabi dahil kusa syang darating syo.

To top it of, tinanan ako ng naging asawa ko dahil natatakot sya na maka meet ako ng iba dahil graduating na ako noon sa college. Dahil sa sobrang mahal ko sya , sumama ako at nagpakasal nga kami. Pero bago dumating ang wedding day namin, nakaranas muna ako ng gulpi sa mommy ko. Pero sa papa ko, kinausap nya lng ako sa phone ng mahinahon. Tinanong nya ako kung buntis ba ako at kung di pa ako ready to get married, handa daw syang itago sa mommy ko at tulungan kami ng magiging anak ko. Unfortunately, di naman ako buntis, it's just that ready na ako mag asawa nun kaya go ako. I faced everything, we faced everthing, lahat ng hirap, sa pera, sa puso at iba pa but I have no regrets..... They were all waiting na lumaki na lng bigla ang tiyan ko dahil feeling ng buong pamilya ko eh nagsisinungaling pa rin ako na di ako buntis pero di nangyari yun. It was 7 months after bago pa lumaki ang tiyan ko after the wedding. Di ko rin alam medyo matagal din bago ako nabuntis, o baka nga tlaga ma prove namin na i got married na hindi buntis.

Napatira kami ng asawa ko sa iisang bubong with my mom, well I can say na mahirap pala ang ganun, pero dahil nga sa nag-iisa na ang mommy ko, nagsama na kami sa iisang bubong. Pero sandali lng yun dahil may mga bagay tlaga na di namin mapapagkasunduang mag-ina. Kaya bumukod din kami mag-asawa, napapunta kami sa Pasay, kung san lumaki ang asawa ko. Marami ding nangyari samin doon, nakilala ko ng lubos ang kabiyak ko, ang mga kaibigan nya na walang alam kundi ang mag inuman. Nabarkada ulit ang asawa ko sa kanila, na humahantong sa pag aaway naming dalawa. Pinipigilan ko sya uminom dahil nga alam kong high blood sya pati na rin ang takaw away nya sa ibang tao. Kaso di sya nakinig sakin. Apat na taon din kami nagsama bilang mag-asawa kasama ang nag-iisa naming anak na si Vince. Yun nga taong 2001 ng bigla na lang sya inatake sa puso ng walang sabi sabi at permonition man lng. As in bigla na lng sya kinuha ni Lord sakin.

Pagkatapos nun, doon na nagsimula ang lahat ng samu't saring naranasan ko. Depression, at marami pa. Taong 2002, isa pa sa pinakamamahal ko ay kinuha din sakin ni Lord, ang Papa ko, ganun din biglaang atake sa puso. Kakababang luksa ko pa lang sa asawa ko ng January 2002, May 2002 ng mawala ang ama ko. Wala akong choice kundi tanggapin yun pero napakahirap.

Nagka BF ako ng taong din yun, pero after 8 months lng kinuha din sya sakin ni Lord.Marso taong 2003. Sakit naman sa kidney mula pagkabata ang naging sanhi ng pagkamatay nya. Kulang na lng ay maloka na ako at madalaw na lng sa Mental Hospital, pero di ako sumuko hanggang ngyn ay lumalaban ako sa puso at isipan ko. Ni minsan di rin ako nagalit sa Diyos simula pa noong una, wala akong naramdamang galit.

Pagkatpos nito, marami pang ring nangyari sakin at sa buhay ko at naming mag-ina hanggang sa kasalukuyan. Pero di pa rin ako sumusuko, di pa rin ako nawawalan ng pag-asa sa buhay, at patuloy pa rin na umiibig ang puso ko. Alam kong ibibigay sakin ni Lord ang makakasama ko at namin ni Vince. Maaaring kasama na namin sya ngyn.

Hiling ko lng tlaga na maging matibay din ang anak ko pati na rin ang bf ko ngyn.

No comments: